-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Sa kabila ng Coronavirus Disease (Covid-19) crisis sa bansa ay nagampanan parin ng maayos ng mga kawani ng LGU-Carmen North Cotabato ang kanilang trabaho.

Mismong si Civil Service Commission (CSC-12) Regional Director Resurreccion Pueyo ang nag-abot ng parangal kay Carmen Mayor Moises Arendain.

Iginawad ng CSC-12 sa LGU-Carmen ang Prime-HRM Certificate of Recognition award.

Ayon kay CSC-12 Regional Director Resurreccion Pueyo na kahit sa banta ng Covid 19 ay naipatupad ng lokal na pamahalaan ng Carmen ang mga prayoridad na proyekto, nagampanan ng maayos ng mga kawani ang kanilang trabaho at pangangailangan ng taumbayan.

Una nang tinanggap ng LGU-Mlang at LGU-Kidapawan City ang kahintulad na parangal mula sa CSC-12.

Todo pasasalamat naman si Mayor Moises Arendain sa parangal na kanilang tinanggap at randam ng CSC ang kanilang pagsisikap na magampanan ang kanilang sinumpaan na trabaho para sa mamamayan ng Carmen.

Samantala,kinomperma rin ni Mayor Arendain na nanatiling Covid 19 Free ang bayan ng Carmen at todo higpit sila sa pagpapatupad ng mga health protocols lalo na sa mga LSI at ROF.