CAUAYAN CITY – Puntirya ng pamahalaang lunsod ng Cauayan na magpatayo ng convention center.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Bernard Dy, sinabi niya na plano ng pamahalaang lunsod na maipatayo ang convention center sa susunod na taon at maisakatuparan bago sumapit ang taong 2022.
Ito ay upang ang lunGsod na ang magiging host sa mga malalaking kaganapan.
Aniya, mayroon ng idinonate ang pamahalaang lunsod para sa naturang convention center na matatagpuan sa Brgy. Tagaran.
Ayon sa punong lunsod, ang planong itatayong convention center ay puwedeng mag-accomodate ng halos apat na libong tao.
Ayon kay Mayor Bernard Dy, layunin din nito na mapalago ang ekonomiya hindi lamang sa lunsod kundi sa buong rehiyon.
Kung maisakatuparan ay matatagurian itong kauna-unahang convention center sa ikalawang rehiyon.