-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Pinangunahan ni Mayor Datu Otho Montawal at Vice-Mayor Datu Vicman Montawal ang pamamahagi ng tulong sa mga residente ng Datu Montawal Maguindanao.

Kasabay nito, ang National Tobacco Administration (NTA) ay namigay din ng 78 knapsack sprayer sa mga magsasaka ng tobacco at ito po ay sa inisyatibo ng #FatherAndSonCares.

Habang 400 na mga kababaihan tumanggap ng food packs at mga frontliners mula sa MDRRMO tumanggap naman ng cash assistance.

Ipinaalala din ng alkalde na tuloy-tuloy pa din ang kampanya laban sa illegal drugs, illegal gambling, terrorism at kailangan ang ibayong pag-iingat lalo pa ngayong panahon pa ng pandemia.

Nanatiling COVID free ang bayan ng Datu Montawal at lahat na mga LSIs at ROF na uuwi ay diritso sa isolation facility kung saan sasailalim ito sa 14 day quarantine.

Sa ngayon ay pinaigting pa ng mga frontliners ng LGU-Datu Montawal ang mga health protocols kontra COVID-19.