-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nanguna si Datu Montawal Maguindanao Mayor Datu Otho Montawal,Vice-Mayor Datu Vicman Montawal at mga kawani ng lokal na pamahalaan sa pamamahagi ng tulong sa mga pamilya na sinalanta ng baha.

Di alintana ng Alkalde ang panganib at nilusong nito ang baha mabigyan lamang ng tulong ang mga kababayan nito.

Ayon kay Mayor Datu Otho Montawal na patuloy sila sa paglilibot sa mga barangay na apektado ng baha upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente at mabigyan ng tulong ang mga ito.

Dagdag no opisyal na bigas, noodles at iba pa ang kanilang paunang tulong sa mga pamilyang apektado ng matinding pagbaha.

Nagpasasalamat naman ang mga residente dahil patuloy silang nakakatanggap ng tulong mula sa LGU Datu Montawal.

Sa ngayon ay patuloy parin ang pagtaas ng lebel ng baha dahil sa malakas na buhos ng ulan at pag-apaw ng Pulangi river.