-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Tumanggap ng maagang pamasko ang Christian Community at mga LGBTQ+ sa bayan ng Datu Montawal Maguindanao.

Mismong sina Datu Montawal Mayor Datu Ohto Montawal,Vice-Mayor Datu Vicman Montawal at Ist Lady Bai Kristel Montawal ang nag-abot ng handog pamasko ng lokal na pamahalaan.

Bisita rin si Bishop George Soriano ng Touching Lives World Missions Philippines, Inc. at sinabi nito ang kahalagahan ng panalangin para sa mga namumuno na mga opisyal sa gobyerno, at ang pagpapasakop at pagsunod sa kanila dahil sila man din ay mga lingkod ng Dios. Dagdag pa nito na sa pagdiriwang ng kapaskuhan bilang pag-alaala sa kapanganakan ni Jesus Christ at ito ay nagdulot ng Kaligtasan, Kagalakan, Pagpupuri at Kapayapaan para sa lahat.

Ayon kay Mayor Montawal na ngayong pasko ma-muslim man o kristiyano dapat ipinadama ang pagmamalasakit at pagmamahal,hindi lang tuwing holiday season ngunit sa bawat araw.

Nagpasalamat din ang mag-ama dahil sa tiwala at suporta na kanilang ibinibigay magmula noong sila’y nanungkulan sa Bayan ng Datu Montawal.

Maging si dating Municipal Administrator at ngayon ay tumatakbong Board Member ng Second District ng Maguindanao Datu Alonto “Andrew” M. Bangkulit, Jr. ay nagbigay din ng mensahe at humiling din ito na tululungan siya sa kanyang kandidatura.

Layunin ng naturang aktibidad ay upang bigyan sila ng Food Assistance at Financial Assistance bilang tulong sa kanila lalo na ngayong buwan ng Disyembre na ipinagdiriwang ang kapaskuhan.

Ang gift giving o handog pamasko ay taon-taong inisyatibo ni Datu Montawal First Lady Bai Kristel Montawal na tulungan ang Christian Community kasama rito ang LGBTQ+ na sinuportahan naman ng mag-ama at iba pang mga opisyal at kawani ng LGU Montawal.

Samantala, sumuporta rin ang Muslim Community at nagbigay din ng mensahe si Ustadz Abdulaziz Malik at iba pang Sangguniang Bayan Members at ang ABC President na si Hon. Alitoto B. Simbuangan.

Todo suporta rin ang PNP, AFP, BFP at iba pang mga opisyal.

Hindi rin nakalimutang magpasalamat ang isa sa mga tumatayong lider ng mga kristiyano sa natatanggap nilang mga tulong at mga ayuda kina Mayor Ohto at Vice Mayor Vicman at sa lahat ng opisyal ng Datu Montawal.