-- Advertisements --

DAVAO CITY – Pinayagan ng lokal na pamahalaan ng Davao ang paggamit ng virgin coconut oil (VCO) para sa mga Covid-19 patients sa siyudad ng Temporary treatment and monitoring facilities (TTMF) ng lungsod ngunit tanging sa mga volunteers lamang.

Sinabi rin Mayor Inday na pinayagan ng City Government ang VCO bilang food supplement matapos makatanggap ng supply mula sa Cotabato-based TreeLife.

Inihayag rin ng Mayor na ang VCO ay isang donasyon kung pinaniniwalaan na makakatulong ito upang mapabuti ang kondisyon sa mga pasyente na nahawa ng Covid-19.

Ang City Health Office (CHO) ang mangunguna sa pagbibigay ng nasabing food supplement.

Kung maalala, accredited na ngayon ng Food and Drug Administration ang paggamit ng VCO.

Ipapaalam rin sa pasyente ang dosage na dapit inumin nito.

Nilinaw rin ng City Government na hindi nila ini-endorso ang paggamit nito.