-- Advertisements --

NAGA CITY – Arestado ang isang empleyado ng lokal na pamahalaan ng Siruma sa lalawigan ng Camarines Sur matapos ang isinagawang buy bust operation ng mga otoridad.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCapt. Eumorpho Batlangao, hepe ng Siruma Municipal Police Station, sinabi nito na dati na umanong drug surrenderee ang nasabing suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na nakumpiska sa suspek ang apat na sachet ng pinaniniwalaang shabu, mga drug paraphernalia, isang caliber 38 revolver at anim na piraso ng ammunition.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang nasabing suspek para sa karampatang disposisyon.