ILOILO CITY – Kinumpirma ni Department of Engery Secretary Atty. Raphael Perpetuo Lotilla na nag-utos na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na solusyunan ang power crisis na nagresulta sa total blackout sa Western Visayas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo Governor Arthur Defensor Jr., sinabi nito na nagpahayag mismo ng pagkabahala ang pangulo sa nangyaring total blackout sa rehiyon na tumagal ng tatlong araw.
Ayon kay Defensor, naging produktibo ang isinagawang inquiry ng Department of Energy at Energy Regulatory Commisssion sa
National Grid Corporation of the Philippines.
Anya, ipinag-utos rin ng pangulo sa nasabing tagahatid ng kuryente na maging transparent at patuloy na magsagawa ng update sa mga local government unit officials, distribution utilities, power generators, sa estado ng Visayas grid.
Nagbabala rin anya ang pangulo na hindi na mauulit pa ang total blackout.