CENTRAL MINDANAO-Siniguro ni Kabacan Cotabato Mayor Herlo Guzman Jr na laging handa ang mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) sa ano mang sakuna.
Isa nga rito ang paglalaan ng mas komprehensibong budget at programa/plano ng lokal na pamahalaan sa disaster preparedness.
Samantala, narito ang ilan sa mga report ng MSWD, MAO, at RHU:
Sinabi ni Mayor Guzman,nalalapit na ang pagtatapos na Municipal Isolation Facility,ang kooperasyon at pakikiisa ng bawat Kabakeño patunay na kayang iligtas ang bayan sa ano mang sakuna.
Sa datos ng Municipal Social Welfare Development (MSWD) na abot sa 2,965 na pamilya mula sa 11 Barangays ang agad na natulungan at naabutan ng ayuda ng DSWD XII at LGU-Kabacan, kasama rin ang Association of Barangay Captain sa pangunguna ni ABC Pres. Evangeline Pascua-Guzman. Isa sa mga ipinagpasalamat ng mga nasalanta ay ang mainit na pagkaing inihain agad ng LGU sa kanila.
RHU; Bagamat abot na sa 14 cases ng covid-19 ang naitatala sa bayan, kontrolado parin ng LGU ang sitwasyon ngunit mas magiging kontrolado ito kung ang bawat isang Kabakeño ay sumusunod sa mga ipinapairal na health protocol.
Sa ulat ng Municipal Agriculture Office (MAO) ligtas parin ang bayan sa African Swine Fever, ngunit, hindi dapat pakampante kung kaya hinihikayat ang lahat na sumunod sa ipinapairal na batas na bawal ang pagpapapasok ng live o processed pork meat products sa bayan.
Sa mga sektor sa bayan hinikayat ni Mayor Guzman Jr na bigyan ng kaalaman ang mga empleyado nito na isailalim sa pagsasanay sa disaster preparedness kung saan handa ang LGU at MDRRM na magbigay ng sapat na kaalaman.