CENTRAL MINDANAO-Bilang tugon sa panawagan ng pamahalaan, hinikayat ngayon ni Kabacan Cotabato Mayor Evangeline Pascua-Guzman ang mga Kabakeño na iparehistro ang kanilang mga prepaid at post-paid sim.
Aniya, batay RA 11934 o Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act, binigyan lamang ng 120 days ang publiko na ipatala ang kanilang numero na nagsimula na noong December 27, 2022.
Dagdag pa ng alkalde, malaki ang maitutulong nito upang maiwasan na ang mga scam messages na natatangap at mas madaling makapagreport sa oras na may nagloko na isang subscribers.
Pati ang Sangguniang bayan ng bayan ng Kabacan sa pangunguna ni Vice-Mayor Herlo Guzman ay nananawagan sa mamamayan na magparehistro na ng kanilang Sim at wag hintayin ang huling araw ng sim registration.