CENTRAL MINDANAO- Agad na nagsagawa ng inspeksyon ang lokal na pamahalaan ng Kabacan Cotabato sa mga gusaling nakaranas ng pinsala sa nagdaang lindol at magkasunod na pagyanig.
Ininpeksyon ng LGU Novo Superstore, Superama, at Deseret Hospital na kung saan may mga iilang pinsala ang naitala ngunit batay sa LGU-Engineering Department ay hindi naman nakakaalarma ang pinsala.
Kasama ang PNP, BFP, at Engineering office, muling binalikan ng grupo ang mga nauna ng mga nailistang gusaling nakaranas ng pinsala noong nagdaang 2019 Earthquake. Batay sa grupo, karamihan sa kanilang nainspeksyon ay hindi naman ganoon kalaki ang pinsalang dala ng lindol, bagkus pinag-iingat parin ang lahat.
Patuloy naman ang paghikayat ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr sa publiko na ipagbigay alam agad ang kanilang sitwasypn sa kinauukulan matapos ang naranasang lindol.
Matatandaan na umaga ay niyanig ng 4.8 magnitude ang bayan ng Magsaysay Davao at sinundan ng 6.1 magnitude pagsapit ng tanghali.