-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Muling siniguro ni Kabacan Cotabato Mayor Evangeline Pascua-Guzman na isa sa prayoridad ng lokal na pamahalaan ay ang kalusugan ng bayan.

Sa isinagawang Local Health Board, pinag-usapan ng konseho ang ilang mga bagay tulad ng pagpapataas ng vaccination rate at booster rate ng bayan kaugnay na rin sa Memorandum na inilabas ng Department of Health na kailangang mapataas bago sumapit ang uang isangdaang araw ng panunungkulan ni President Ferdinand Marcos, Jr.

Sa kasalukuyan, mayroon ng 83.76% o 57,745 habang nasa 20.87% o 10,479 ang nakapagbooster.

Kanila namang napagusapan na sa kasalukuyan mayroong 973 covid-19 case ang bayan at mula sa bilang na ito 921 ang recovered habang 49 death cases mula sa nasabing bilang.

Mula naman sa bilang ng pumanaw, 41 dito ay unvaccinated habang walo ang partially vaccinated.

Samantala, muling binalikan ni Mayor Gelyn ang kautusan sa konseho na manguna sa pagpaplano at pagsasaayos ng mga usapin patungkol sa kalusugan.

Pagtitiyak din ng alkalde na buo ang suporta ng tanggapan sa mga adhikain ng Department of Health upang mas maging malusog ang pamayanan