-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sampung mga paaralan sa bayan ng Kabacan Cotabato ang tumanggap ng school supplies mula sa lokal na pamahalaan ng Kabacan sa pangunguna ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr.

Ayon sa alkalde, nagpapasalamat ito sa isang resolusyon ng mga kooperatiba sa bayan na tumugon ang mga ito sa pangangailangan ng mga paaralan sa pamamagitan ng mga school supplies.

Ang mga nasabing paaralan na tumanggap ay ang mga paaralang may kooperatiba sa kanilang lugar. Ito ay ang Kabacan Pilot Central School, Osias ES, Upper Paatan ES, Magatos ES, Lower Paatan ES, Cuyapon ES, Kayaga ES, Dagupan ES, at Katidtuan ES.

Samantala, humingi naman ng dispensa si ABC President Evangeline Pascua-Guzman sa dahilan na medyo natatagalan ang pagdagdag ng printer sa mga paaralan. Aniya, may sinusunod kasi na proseso ang bawat pamahalaan pero siniguro nitong ipagkakaloob sa mga paaralan ang karagdagang printer.

Nakiisa din sa nasabing aktibidad si MAFC Rodolfo Legazpi, Con. Leah Saldivar, Cons. Joel Martin, at Cons. Raymundo Gracia na siya ring Cooperative Chairman ng bayan.