CENTRAL MINDANAO-Nanguna si Kabacan Cotabato Mayor Herlo Guzman Jr at ABC President Evangeline Guzman sa pamamahagi ng tulong sa mga residente ng Purok Darusalam, Kalimudan at Cueva ng Barangay Pisan sa bayan ng Kabacan na hinagupit ng buhawi.
Abot sa 57 na pamilya (30-Darusalam, 17-Kalimudan, 10-Cueva)ang tumanggap ng 25kl ng bigas, delata, at noodles. Kaugnay nito, mayroong naitalang 40 na kabahayaan (Total Damaged-17, Partially Damaged-23) na hinagupit ng buhawi.
Siniguro naman ni Mayor Guzman na makakatanggap ng tulong na pinansiyal ang mga residente ng tatlong Sitio at inaayos na lamang ang mga dukomento nito.
Nangako rin ang Alkalde na gagawa ng paraan ang lokal na pamahalaan ng bayan upang sagutin ang pagpapagamot sa aleng nasugatan dahil sa buhawi.
Samantala, sinabi rin ni ABC President Evangeline Pascua-Guzman, bagamat nakakapanglumo ang nangyaring insidente, nagpapasalamat parin ito dahil walang binawian ng buhay. Puspusan parin ang pakikipag-ugnayan ni ABC Guzman sa Brgy. Pisan upang mailapit ng mabilis ang mga kailangan ng mga residente.
Nagsagawa na rin ng berepikasyon ang Municipal Agriculture Office sa mga taniman ng palay, mais, at saging na nasalanta ng kalamidad. Hinikayat nito ang mga may-ari ng lupain na ilista ang kanilang pangalan at ektarya ng tinaniman.
Matatandaang agad na nag-abot ng tulong ang LGU-Kabacan matapos ang naranasang buhawi.
Maliban sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni VM Myra Dulay at nakiisa rin ang mga Kapitan ng 24 na barangay ng Kabacan.
Nagpaalala si Mayor Guzman Jr sa mga residente ng bayan ng Kabacan na mag-ingat at maging alerto lalo na ngayong tag-ulan sa posibling pagbaha,landslide at iba pa.