CENTRAL MINDANAO-Pinulong ng lokal na pamahalaan ng Kabacan Cotabato ang labing anim na mga magdidisplay ng kanilang produkto sa Food Park na matatagpuan ng Quirino Street.
Ayon kay Municipal Administrator Ben Guzman na sagot ng lokal na pamahalaan ang kuryente at tents na gagamitin. Dagdag pa rito minimum lamang ang babayaran ng mga ito mula sa dalawang libo hanggang dalawang libo at limang daang piso.
Kinabibilangan ito ng mga goto, arroz caldo, barbecue, pastil, kakanin, ramen, shakes, street foods at iba pa.
Inabisuhan narin ang mga ito na maaari na silang magsimula ngayong araw.
Samantala, hinikayat naman ni Mayor Evangeline Pascua-Guzman ang mga nagtitinda na panayilihin ang kalinisan at tiyaking maging masaya ang bawat customer nila.
Dagdag pa nito na may inihahanda pang karagdagang amusement event sa nasabing food park.