CENTRAL MINDANAO- Abot mahigit sa 531 na pamilya ang inabutan ng lokal na pamahalaan ng Kabacan Cotabato ng relief packs matapos makaranas ng pagbaha sa Barangay Cuyapon.
Ayon kay MDRRMO Officer David Don Saure, ang parteng nalubog ay dahil na rin sa topographic location ng brgy. Siniguro din nito na nagsasagawa na ng plano ang LGU sa pangunguna ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. upang makagawa ng paraan na maibsan ang pagbabaha sa nasabing brgy at sa iba pang brgy.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga residente na tumanggap ng bigas, delata, noodles, at kape.
Dagdag pa ni Saure, ang lahat na nangngailangan ng relief packs ay pagkakalooban.
Patuloy naman ang monitoring ng LGU sa ibang brgy. na nabahaan.
Sa ngayon ay bumaba na ang lebel ng baha lalo na sa pulangi river.