CENTRAL MINDANAO – Sa patuloy na panawagan ng pamahalaan na tangkilikin ang pagbabakuna laban sa COVID-19, aabot na sa 12,942 ang fully vaccinated sa bayan ng Kabacan, Cotabato.
Kaugnay nito, lubos ang pasasalamat ni Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr. sa publiko sa pagtangkilik ng nasabing programa.
Inihayag din nito na may malaking tulong din ang pagpunta ng grupo sa mga barangay ng bayan upang doon isagawa ang pagbabakuna.
Ayon sa alkalde, walang dapat ikabahala ang publiko lalo pa’t hindi gagawa ng isang programa ang pamahalaan na magdudulot ng kasamaan sa publiko.
Kiwento nito, kahit siya umanong dumaan sa isang sakit ay walang naging epekto ang pagtanggap nito ng bakuna.
Sa.antala, magpapatuloy naman ang pagbabakuna ngayong November 2, 2021 sa Kabacan Municipal Gym.
Sa susunod na mga araw, muling mag-iikot ang team upang magdala ng bakuna sa mga sumusunod na barangays:
November 3, 2021 – Cuyapon
November 4, 2021 – Malanduague
November 5, 2021 – Dagupan.
Magpapatuloy naman tuwing hapon ang pagbibigay ng bakuna sa Municipal Gym ng bayan na kung saa hindi na kailangan pa ng priority number.