-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Matapos ang naging matagumpay na Brigada Eskwela ng Department of Education, binigyan ng pagkilala ang lokal na pamahalaan ng Kabacan, Cotabato.

Kaugnay nito, ipinagpasalamat ni Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr. ang pagkilalang inalay ng lokal na pamahalaan ng Kabacan sa mga paaralan sa bayan.

Aniya, hindi nito inaasahan na bibigyan ng pagkilala ang lokal na pamahalaan lalo pa’t isa ang sektor ng edukasyon sa kanyang sinusuportahan dahil alam nitong edukasyon lamang ang kayamanang hindi maaagaw nino man.

Dagdag pa ng alkalde, makakasiguro ang mga paaralan sa bayan na lagi nitong bibigyan ng importansya ang edukasyon, sa brigada eskwela man o maging sa kinakaharap na hamon ng bansa sa larangan ng edukasyon.

Ang nasabing pagkilala ay mula sa Cotabato Schools Division Office na nilagdaan ni Schools Division Supt. Isagani Dela Cruz, CESO V.