CENTRAL MINDANAO- Personal na tinanggap ni Kabacan Cotabato Mayor Herlo P. Guzman, Jr., Incident Commander on Covid-19 at MHO Dr. Sofronio T. Edu, Jr., at si ABC President Evangeline Pascua-Guzman ang abot sa 93 bakuna mula sa Sinovac.
Inihatid ito mismo ng Provincial Office na maliban sa vaccine, nagkaloob din ng face shield at health kit na naglalaman ng face mask at gamot.
Ayon kay Mayor Guzman, sa pagsisimula ng Provincial Wide Sabayang Bakuna ngayong araw Marso 8, 2021, sisimulang bakunahan ang mga medical frontliners mula sa Tertiary hospital batay na rin sa mandato ng DOH.
Kung sakaling may hindi magpapabakuna, mismong si Dr. Edu na ang bahala sa nasabing bakuna.
Panay din ang pag-apela ng alkalde na unahin din nawa ang mga opisyales upang mas mapalakas ang kumpiyansa ng publiko.
Ayon naman kay Dr. Edu, walang problema lalo pa’t nasa kustodiya na ng LGU-Kabacan kung ano ang gagawin sa mga ayaw magbakunang nailista sa bibigyan ng gamot.
Umapela din ang alkalde sa publiko na huwag matakot sa bakuna lalo na ang mula sa sinovac lalo pa’t una ito’y FDA Approved at Halal Certified.
Paalala pa nito, sa oras na mapabakuna, kailangan paring sundin ang iuutos ng MHO na health protocol at huwag magpakumpiyansa dahil lamang may bakuna.