-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Masayang tinanggap ni Kabacan Cotabato Municipal Mayor Evangeline Pascua-Guzman ang pagkilalang kaloob ng Department of Health XII sa usapin ng corona virus disease 2019 o COVID-19.

Ayon kay MHO Dr. Sofronio T. Edu, Jr. ang pagkilala ay patunay na nakamit ng bayan ang apat na kategoryang sinusuri ng DOH. Ang nasabing kategorya na inaalam ay, Low to minimal risk COVID-19 cases; Total bed utilization rate of less than 50%; Full vaccination of at least 70% of its total target population; at Full vaccination of at least 70% of its priority A2(Senior Citizen) of its toal population.

Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Gelyn hindi lamang sa DOH at sa mga kawani ng Municipal Health Unit na nagpupursigeng ipanalo ang laban sa covid-19 bagkus sa mga residente ng bayan na agad na sumagot sa panawagan ng pangkalusugan sa usapin ng covid-19.

Nagpaabot din ito ng pasasalamat kay Governor Emmylou TaliƱo-Mendoza lalo’t malaki ang naitulong nito na maipataas ang bilang ng nagpapabakuna sa bayan at sa buong tanggapan ng IPHO-Cotabato.

Pinangunahan ni DOH Usec. Abdullah B. Dumama JR., MD, MPA, CESO I at DOH-CHD SOCCSKSARGEN Regional Director Aristides Concepcion Tan, MD, MPH, CESO III ang pamamahagi ng pagkilala.

Samantala, batay sa datos isa ang bayan ng Kabacan sa nag-uwi ng parangal mula sa pitong napili o nakapasa sa FOUR Category para sa lalawigan ng Cotabato.

Bagamat tumanggap ng pagkilala, hinikayat parin ni Mayor Gelyn ang publiko na pakaingatan ang kalusugan.