-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Panibagong pagkilala ang natanggap ng lokal na pamahalaan ng Kabacan Cotabato sa pangunguna ni Mayor Evangeline Pascua-Guzman.

Ito ang PRIME HRM-Performance Management. Ayon kay MHRMO Grace Ullo, patunay ang nakamit na pagkilala na mahusay at maayos ang performance ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Kabacan na nagdudulot ng magandang serbisyo sa publiko.

Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Gelyn at Vice-Mayor Herlo Guzman Jr na aniya patunay ang nakamit na pagkilala sa dapat gawain ng isang serbisyo sibil lalo’t ang publiko ang kliyente ng mga ito.

Matatandaang unang nakilala ang LGU Kabacan sa Recruitment, Selection, and Placement na isang pillar ng PRIME-HRM.