-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Siniguro ni Kabacan, Cotabato Mayor Herlo Guzman, Jr., sa mga opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Dangerous Drugs Board (DDB) sa pangunguna ni Secretary Catalino Cuy na pangangalagaan nila ang proyekto ng ahensya sa bayan.

Ang nasabing tulong ay aabot sa P5 milyon na halaga ng ipapatayong gusali kaugnay na Community-based Rehabilitation Program.

Tanging ang bayan ng Kabacan lamang ang napagkalooban ng nasabing programa sa probinsya ng Cotabato.

Malaking tulong din ang itatayong gusali sa mga indibidwal na nais magbagong buhay matapos umiba ng landas sa pinagbabawal na droga.