CENTRAL MINDANAO – Abot sa 30 ang tumanggap ng financial assistance mula sa lokal na pamahalaan ng Kabacan, Cotabato.
Ayon kay Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr. ang programa ay regular na ginagawa ng lokal na pamahalaan na naglalayong magkaloob ng pinansyal na suporta sa mga nagkakaroon ng sakit at nasa bahay pagamutan.
Muli namang tiniyak ni Mayor Guzman na bukas ang tanggapan nito para sa mga nais humingi ng tulong.
Kailangan lamang magsumite ng isang sulat, brgy. clearance, certificate of indigency mula sa DSWD, at kalakip ang kopya ng hospital bill.
Samantala, siniguro rin ng alkalde na ang nasimulang programa na sagip-buhay ay nagpapatuloy pa rin at isinasapinal na ang lahat na kailangang dokumento upang maipagkaloob na sa mga nangangailangang sumasailalim sa chemo at dialysis ang tulong.