-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Bumuo ng task force ang lokal na pamahalaan ng Kalibo upang tutukan ang paglilinis sa lahat ng mga kalsada at sidewalks sa anumang sagabal.

Pangungunahan ng LGU-Kalibo ang task force, katuwang ang Deparment of Public Works and Highways, Land Transportation Office, Philippine National Police Highway Group at Kalibo Police Station.

Ayon kay Sangguniang Bayan member Matt Aaron Guzman, chairman ng Committee on Transportation, malaki ang kanilang pasasalamat sa memorandum circular ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil nagkaroon ng ngipin ang kanilang aksyon.

Nabatid na bago pa man ang direktiba ng pangulo ay sinimulan na nila ang paglilinis sa mga pangunahing kalsada sa Kalibo upang maiwasan ang pagsikip ng trapiko at matanggal ang mga vendors na naka-pwesto sa mga sidewalk at kalsada.

Nagpalabas ng 60 araw na taning ang Department of Interior and Local Government sa mga mayors upang linisan at kunin sa kanilang mga lugar ang mga kalat, basura at mga sagabal sa daan.