KALIBO, Aklan – Balak ng lokal na pamahalaan ng Kalibo na magpatayo ng sariling crematorium kasama ang isang funeral homes para sa mga namatay na COVID-victim.
Ayon kay Kalibo Mayor Emerson Lachica ang proyektong isinusulong ay isasailalim sa Public Private Partnership (PPP).
Sa kasalukuyan ay hinihikayat nila ang nasabing funeral homes na magsumite ng proposals upang mapag-aralan ang joint venture.
Sa inisyal aniya nilang pag-uusap, ang LGU ang maghahanap ng lupa habang ang funeral homes ang magpapatayo ng building.
Ang pagpapatayo ng crematorium ay isinulong matapos na tumanggi na umanong tumanggap ang nag-iisang crematory sa buong Panay sa siyudad ng Iloilo dahil sa dami ng mga dinadala doon na mga bangkay araw-araw.
Dagdag pa ni Lachica na layunin ng ipapatayong crematorium na hindi na mahirapan ang mga kaanak ng mga namatay at isa rin ito sa magiging pangunahing COVID response ng Kalibo.
Umaabot na sa anim ang inilibing sa itinakdang burial grounds sa ilang municipal at private cemetery sa Kalibo.
Batay aniya sa guidelines ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Epidemiologist and Infectious Disease Specialist, ang cadavers ng mga pasyente na namatay sa deadly virus ay dapat na ma-cremate o mailibing sa loob ng 12 oras.