CENTRAL MINDANAO-Umaabot sa 15 na mga karagdagang alagang baka ang ipinamahagi para sa iba’t-ibang barangay sa Lungsod ng Kidapawan. Ito ay kinabibilangan ng Poblacion, Nuangan, Sudapin, Mua-an, Ginatilan, Balabag, Meohao.
Nakabenepisyo rin ang mga barangay ng Mateo, Kalasuyan, Lanao, Balindog, Paco, Sikitan, San Isidro, at Sto. Nino sa dispersal. Si City Veterinarian Dr. Eugene Gornez ang nanguna sa pamamahagi ng mga alagang baka sa City Pavillon na ayon pa sa kanya ay pawang malulusog at walang anumang sakit.
Kaugnay, nito pinasalamatan ng mga Punong Barangay si Kidapawan City Acting Information Officer Atty. Jose Paolo M. Evangelista na siyang kumatawan kay Kidapawan City Mayor Joseph A. Evangelista sa anila ay kapaki-pakinabang na inisyatibo.
Ibibigay naman ng mga Punong Barangay sa kanilang mga nasasakupan ang mga baka para paramihin o mag-breeding.