-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Muling nagpaalala ang City Government sa tamang paggamit ng Kidapawan Quarantine Identification Pass o KIDQIP.

Una ng nagbanta ng pagkakakulong sa illegal na paggamit ng KIDQIP si City Mayor Joseph Evangelista.

Giit ng alkalde na tanging sa pamamalengke, pagbili ng pangunahing pangangailangan gaya ng gamot at iba pa, pagpapakonsulta sa mga pagamutan at pagkuha ng pera sa ATM o money transfers ang paggamit ng color coded KIDQIP.

Sinimulan ng ibigay ng City Government ang mga kulay pink at yellow KIDQIP noong nakalipas na April 18 at nag-umpisang gamitin April 20.

Pink para sa mga araw ng Lunes, Miyerkules , Biyernes at Sabado at yellow naman kung martes, Huwebes at Linggo.

Sa mga tricycle naman ay tanging pamamasada lamang ang paggamit ng color coded Tricycle Driver’s Pass, dagdag pa ni Mayor Evangelista.

Pink kung Lunes, Miyerkules at Biyernes ang pamamasada at yellow kung Martes, Huwebes at Sabado samantalang pinapayagan lahat bumiyahe sa araw ng Linggo.

Mananatili naman ang paggamit ng naunang Blue Workers Pass na ibinigay ng City Government para sa mga taga ibang lugar na nagta-trabaho sa mga establisimentong pasok sa exemptions ng Executive Order number 33 na ipinalabas ni Mayor Evangelista.

Hindi na rin nagbibigay pa ng Blue Workers Pass ang City Government.

Payo nito sa mga empleyadong dumadaan sa checkpoints na magdala ng valid company ID at Certificate of Employment mula sa kanilang mga employer bilang patunay na sila nga ay nagta-trabaho sa Kidapawan City.
Nagpaalala naman si Mayor Evangelista sa publiko na ingatan ang kanilang mga quarantine at special passes dahil hindi na ito papalitan pa ng City Government.