-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nagpatupad na ng bakunahan sa Barangay ang City Government of Kidapawan bilang pamamaraan para mapalawak pa ang coverage ng vaccination roll out kontra COVID-19.

Inihayag mismo ni City COVID-19 Nerve Center Head Atty. Jose Paolo Evangelista ang nabanggit na development sa panayam sa kanya ng mga nangungunang radio stations at iba pang media outlets ngayong umaga ng Martes, January 18, 2022.

Sinabi niya na ginawa ito lalo pa’t mataas na ang turn-out ng vaccination sa mismong bBarangay Poblacion at mga kalapit na barangay.

Sa pamamagitan ng Bakunahan sa Barangay ay mabibigya ng prayoridad ang mga residente na hirap makapunta at magpabakuna sa vaccination hubs n NASA sa sentro ng Kidapawan City.

Noong nakalipas na January 14, 2022, isinagawa ang Bakunahan sa Barangay Ilomavis kung saan ay abot sa 614 ang nabakunahan.

Sa nabanggit na dami ng nabakunahan, 263 sa kanila ang partially vaccinated, 139 ang fully vaccinated at 212 ang tumanggap ng booster dose, ayon pa sa COVID-19 Nerve Center na pinamumunuan ni Atty. Evangelista.

Dahil naman sa mataas na turn-out ng bakuna, tutulak muli ang vaccination roll out na gagawin sa Barangay Patadon sa January 19, Barangay San Isidro sa January 20 at Barangay Sudapin sa January 21, 2022.

Tuloy naman ang vaccination roll out sa iba’t-ibang vaccination sites sa Barangay Poblacion ng Kidapawan City na bukas para sa mga eligible priority groups A1-A5 at pediatric population edad 12-17 years old.

Narito naman ang datos na nagmula sa City Health Office sa bilang ng mga nabakunahan na sa Kidapawan City as of January 14, 2022:

102,814 o 93.07% ang fully vaccinated mula sa target na 110,466.

109,885 ang partially vaccinated o katumbas sa 93.99%.

11,783 ang nakatanggap na ng booster shots.

13,077 naman ang nabakunahan sa ilalim ng pediatric priority group 12-17 years old.