CENTRAL MINDANAO – Nakahanda ang city government of Kidapawan sa posibleng pagpasok ng Omicron COVID-19 variant sa lungsod.
Sinabi ni City COVID-19 Nerve Center head Atty. Jose Paolo Evangelista na bubuksang muli ng city government ang mga isolation facilities para sa moderate-severe cases ng COVID-19 at pagpapalakas pa ng Anti-COVID-19 Vaccination Roll-Out na ipinatutupad nito.
Mas madaling makahawa ang Omicron variant kung kaya ibayong pagsisikap ngayon ang ginagawa ng city government na malimitahan ang magiging epekto nito sa pamumuhay ng mga taga-lungsod.
Ayon kay ni Atty. Evangelista, mas makakahawa ang Omicron lalo na sa mga hindi pa nabakunahan, mga senior citizens at may mga comorbidities.
Napag-usapan naman sa Local Inter-Agency Task Force on COVID-19 meeting ang mga hakbang na gagawin ng city government sa oras na may pumutok na kaso ng Omicron variant.
Sa kasalukuyan, may 5 na nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod, bagamat hinihintay pa ang kompirmasyon kung Omicron variant ba ang mga ito.
Sa pagbubukas ng mga isolation facilities na siyang gagamitin sa pagpapagaling ng mga pasyente ng COVID-19, ay magdadagdag din ng tao ang city government na magbabantay at mangangasiwa sa mga pasilidad.
Pinapalakas na rin ang panawagan sa lahat na magpa-booster shot na para sa dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.
Sa kasalukuyan nasa ilalim ng Alert Level 2 ang Kidapawan City.
sinabi pa ni Atty. Evangelista kung kaya’t nagpapatupad pa rin ng restrictions ang city government sa galaw ng tao para maiwasang magkahawaan ng COVID-19.
Kaugnay nito, nasa mahigit 96,000 na ang fully vaccinated individuals sa lungsod mula sa 110,000 na target para makuha ang 70% herd immunity laban sa COVID-19, dagdag pa ni Atty. Evangelista.