CENTRAL MINDANAO-Mahigit sa 2,000 na residente ng dalawang barangay sa lungsod ang nabiyayaan ng libreng serbisyo sa ilalim ng KDAPS o Kabaranggayan, Dad-an sa Programa ug Serbisyo ng City Government of Kidapawan.
1,511 na mga residente ng barangay Ginatilan ang nakatanggap ng serbisyong hatid ng KDAPS.
Samantala may 1,164 naman mula sa Barangay Malinan na isang malayong barangay ng lungsod ang tumanggap din ng serbisyong hatid ng KDAPS.
“ Tungkulin ng gobyerno na magbigay ng makabuluhang programa at proyekto kung kaya ay ginawa natin ang KDAPS para mailapit pang lalo ang mga ito sa mga constituents natin sa mga malalayong barangay. Ito ay libre at bukas para sa lahat ng nangangailangan. ”, wika pa ni City Mayor Jose Paolo Evangelista na siyang nanguna sa aktibidad.
Dagdag pa ng alkalde na “𝘼𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙬𝙞𝙨 𝙣𝙖 𝙗𝙞𝙣𝙖𝙗𝙖𝙮𝙖𝙧𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙢𝙖𝙢𝙖𝙮𝙖𝙣 𝙖𝙮 𝙙𝙖𝙥𝙖𝙩 𝙞𝙗𝙖𝙡𝙞𝙠 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙢𝙖𝙢𝙖𝙢𝙖𝙮𝙖𝙣 𝙖𝙩 𝙞𝙩𝙤 𝙖𝙮 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙢𝙖𝙢𝙖𝙜𝙞𝙩𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙧𝙤𝙜𝙧𝙖𝙢a at 𝙥𝙧𝙤𝙮𝙚𝙠𝙩𝙤 𝙣𝙖 𝙢𝙖𝙠𝙖𝙩𝙪𝙩𝙪𝙜𝙤𝙣 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙣𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣𝙜𝙖𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣”
Tuwing kapistahan ng barangay isinasagawa ang KDAPS para mas madaling makahikayat ng mga residente ng barangay na tumanggap ng serbisyo mula sa City Government.
Naglagay ng sarili nilang mesa ang bawat departamento ng City Government at partner agencies para asikasuhin at iproseso ang mga serbisyong hatid ng pamahalaan sa mga mamamayan.
Maliban dito ay may libre ding kasalan ng bayan, civil registry services, legal advice, medical and social services, Comelec voters registration, serbisyong kuryente at patubig at maraming iba pa.
Pasasalamat naman ang ipinapaabot ng mga mamamayan na nakatanggap ng serbisyo ng KDAPS dahil mismong ang gobyerno na ang lumalapit at libreng nagbigay ng programa at proyekto para sa kanila.