-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Isangdaang bag ng sexually reversed Tilapia ang ibinigay ng City Government sa mga Inland Fish Farmers ng lungsod ng Kidapawan.

Layon ng programa ng City Government na makatulong sa kabuhayan ng mga nabanggit bilang tulong na rin sa panahon ng krisis na dulot ng Covid19.

Aabutin ng 3-4 na buwan ang mga tilapia fingerlings na lumaki bago maharvest at maibenta sa mga pamilihan.

Paunang tulong pa lang ito sa pinaplano ng City Government na makatugon sa usapin ng Food Proficiency ang lungsod, ani pa ni City Mayor Joseph Evangelista.

Mas mainam na magkaroon ng sapat at sariling supply ng pagkain ang lungsod at hindi umasa sa iba pang mga lugar para pagkukunan ng pagkain tulad ng nangyari noong nahagip ng October 2019 Earthquake ang Kidapawan City, pagbubunyag pa ng alkalde.

Para makamit ito, palalaguin ng City Government ang mga feed mills na siyang pagkukunan ng pagkain ng mga tilapia.

Nais kasi ni Mayor Evangelista na sexually reverse tilapia bags na may kasamang feeds ang ibigay ng City Government para maseguro ang tamang paglaki ng mga isda.

Kalakip din sa pinaplano ng alkalde na pumasok sa isang kasunduan ang City Government at mga farmer beneficiary kung saan mismo ang Lokal na Pamahalaan ang bibili ng tilapia at i-obliga ang mga farmer beneficiaries na alagaan ng wasto ang kanilang mga fingerlings para dumami at maibenta.

Maglalaan ng isang back hoe ang City government para lamang sa paghuhukay ng mga itatayong palaisdaan para sa mga tilapia fingerlings na ibibigay nito sa susunod na taon, pagbubunyag pa ni Mayor Evangelista.

Maliban kasi na tama ang pagkukunan ng tubig sa palaisdaan, maseseguro rin na dekalidad ang mga mature tilapia na pwedeng ibenta dahil ang mga palaisdaan na huhukayin ng City government ay malayo sa mga commercial plantations ng saging at iba pang pananim.

Makaka apekto kasi sa kalidad ng tilapia ang mga kemikal na manggagaling sa nabanggit na malalaking plantasyon.

Pinangunahan nina Mayor Evangelista at City Agriculturist Marisa Aton ang pamimigay ng tilapia fingelings sa mga qualified beneficiaries ng programa.