KORONADAL CITY – Doble-kayod ngayon ang mga otoridad upang tuluyan nang makontrol ang pinangangambahang African Swine Fever (ASF) sa lungsod ng Koronadal.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay City Veterinarian Officer Dr. Charlemagne Calo, patuloy pa rin ang pagbabantay ng kanilang mga quarantine officers sa bawat checkpoints upang bantayan ang pagpasok ng bawat meat vans at mga livestock carriers na may dalang baboy o karne nito.
Ito’y kahit maituturing pa ring masuwerte pa rin ang kalagayan lalo na’t nako-contain pa ng lungsod ng Koronadal ang nasabing sakit at karamihan umano sa mga baboy ay inilalagay sa mga malalaking bakod at malayo sa bawat isa upang maiwasang kumalat pa ang ASF.
Tiniyak naman ng opisyal na maghihigpit pa sila sa kanilang pagbabantay kahit pa kinatay at inilibing na ang 42 baboy na kabilang sa 11 iba pa na nagpositibo sa nasabing outbreak upang maging maideklarang ASF-free na sa mas madaling panahon.