-- Advertisements --

Nanguna ang City Health Office of Las Piñas sa pagsasagawa ng pneumonia vaccination drive sa Balagtas Covered Court sa Barangay Pamplona Uno Las Piñas City.

Aabot sa mahigit 300 senior citizens ng lungsod ang nakapag-avail ng libreng pneumonia shots.

Personal na dumalo sa naturang event si Las Piñas Vice Mayor April Aguilar.

Sa naging mensahe ng bise alkalde ay binigyang diin nito ang mga ginagawang hakbang at dedikasyon ng kanilang lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng mga programang pang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga senior citizen.

Kabilang na nga rito ang pagprotekta sa mga matatanda mula sa banta ng pneumonia.

Ito ay isang kondisyon na kung saan maituturing na delikado para sa may edad nang populasyon.

Isinagawa naman ng mga Health care professionals ang bakunahan at nagbigay rin ito ng mga gabay para sa preventive health practices.

Sinabi rin ng Las Piñas LGU na ang naturang inisyatiba ay nagbibigay diin sa mga ginagawang hakbang ng lungsod para mapalakas ang public health.

Partikular na rito ang kalusugan ng mga nakatatanda sa kanilang komunidad.