-- Advertisements --

LEGAZPI CITY — Matapos makuha ang ika-pitong puwesto sa katatapos pa lamang na Palarong Bicol, naghahanda na ngayon ng mga istratehiya ang lungsod ng Legazpi para sa nasabing sporting event sa susunod na taon.

Matatandaang nakapag-uwi ang mga atelta ng lungsod ng 27 gold, 38 silver at 49 na bronze medal.

Ayon kay Legazpi City Mayor Noel Rosal, nais nilang matutukan ngayon ang mga medal rich events gaya ng teakwondo, chess, athletics, swimming, at arnis.

Kaugnay nito, pumirma na ang alkalde ng Memorandum of Agreement kasama ang Bicol University upang magamit ng mga atleta ang swimming pool ng Albay sports complex gayundin ang oval para sa mga nasa athletic events.

Makakatulong umano ito upang mas mapalakas pa ang training lalo na sa mga larong mas may tsansa na makapag-uwi ng maraming medalya.

Samantala, tiniyak ng alkalde na makakatanggap ng incentives ang lahat na mga atleta na nakapag-uwi ng medalya sa Palarong Bicol 2019.