CENTRAL MINDANAO-Nakatanggap ng 95.53 points ang LGU-Libungan Cotabato sa pagsunod sa direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ito ay ang road clearing activities na nakapaloob sa Memo Circular 2020-145.
Ginawa ang validation sa pangunguna ni Municipal Local Government Operation Officer (MLGOO) Vince Kim Rojas mula sa LGU-Pikit kasama pa ang mga kawani mula sa DILG, Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP) at Civil Society Organizations (CSO).
Batay sa ginawang balidasyon, nakakuha ng 45.53 points out of 50 ang bayan ng Libungan sa Road Clearing Component, perfect 15 points para sa Ordinance Component, perfect 5 points sa Inventory Component, perfect 10 points sa Displacement Component gayundin sa Rehabilitation Component at Grievance Mechanism.
Nakapag-comply din ang LGU-Libungan sa kautusan ng DILG sa ilalim ng MC 2020-036 o ang pagbabawal sa mga tricycle sa National Road.
Pinasalamatan naman ni Mayor Francis Aris Yu ang ibat ibang departamento ng lokal na pamahalaan na naging katuwang nito upang makamit ang magandang performance hinggil rito.