CENTRAL MINDANAO – Nanguna sina Datu Montawal Maguindanao Mayor Datu Otho Montawal, Vice-Mayor Datu Vicman Montawal, mga kawani ng LGU at unang ginang Bai Kristel Montawal sa pamimigay ng isang sakong bigas sa mga residente.
Tumanggap ng tig-isang sakong bigas ang mga principal, district supervisors at head teachers sa iba’t ibang paaralan kabilang na ang mga opisyal ng barangay.
Maliban sa tig-isang sakong bigas namigay rin ang mag-amang Montawal ng facemask, vitamins at ilang mga PPEs.
Lubos na nagpasalamat ang mga nabigyan ng tig-isang sakong bigas sa mag-amang Montawal at Ist Lady Bai Kristel Montawal.
Sinabi ni Mayor Montawal na dapat lamang na mabigyan ng tulong ang kanyang mga nasasakupan na labis na nagsakrispisyo kontra COVID at dapat may makain sila lalo na ngayong Holy Month of Ramadhan.
Noong nakalipas na linggo unang tumanggap ng tig-isang sakong bigas ang mga frontliners, volunteers, BFP, PNP, RHU, AFP, mga barangay kapitan at SB Members.
Sa datus ng DSWD ang bayan ng Datu Montawal ang may pinakamaraming naibigay na ayuda sa mga residente na naapektuhan sa COVID crisis at pinakaunang bayan sa probinsya na namigay ng tig-isang sakong bigas sa mga kawani ng lokal na pamahalaan at mga frontliners.
Nilinaw ni Mayor Montawal kahit abala ang lahat sa COVID-19 ay nagpapatuloy din ang kampanya ng LGU-Datu Montawal laban sa pinagbabawal na droga.
Sa ngayon ay handa na ang bayan ng Datu Montawal sa ipapatupad na Modified General Community Quarantine mula Mayo 16 hanggang Mayo 31.