-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Namigay ng tig-isang sakong bigas sina Datu Montawal, Maguindanao Mayor Datu Otho Montawal, Vice-Mayor Datu Vicman Montawal at unang ginang Bai Kristel Montawal sa mga kawani ng lokal na pamahalaan.

Tumanggap din ng tig-isang sakong bigas ang mga frontliners, volunteers, BFP, PNP, RHU, AFP, mga Barangay Kapitan, SB Members at iba pa.

Maliban sa tig-isang sakong bigas namigay rin ang mag-amang Montawal ng facemask, vitamins at ibang mga PPEs sa mga frontliners.

Todo pasasalamat naman ang mga kawani ng LGU-Datu Montawal at mga frontliners na nabigyan ng tig-isang sakong bigas ng mag-amang Montawal at Ist Lady Bai Kristel Montawal.

Sinabi ni Mayor Montawal na dapat lamang na mabigyan ng tulong ang mga kawani ng LGU Datu Montawal at mga frontliners na nagsakripisyo kontra COVID-19.

Sa datus ng DSWD ang bayan ng Datu Montawal ang may pinakamaraming naibigay na ayuda sa mga residente na naapektuhan sa COVID crisis at pinakaunang bayan sa probinsya na namigay ng tig-isang sakong bigas sa mga kawani ng lokal na pamahalaan at mga frontliners.

Matatandaan na unang inani ng alkalde ang kanyang mga pananim na oil palm at ang benta ay pinamili ng tone-toneladang bigas kung saan pinamimigay ito sa kanyang mga nasasakupan.