-- Advertisements --

Tiniyak ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon na sila ay nakahandang magbibigay ng Libreng Sakay sa mga maaapektuhang pasahero dahil sa patuloy na tigil-pasada ng ilang transport group sa bansa.

Ang transports strike na ito ay bilang pagpapakita ng pagtutol sa jeepney modernization ng pamahalaan.

Sinimulan na nga ng grupong MANIBELA at PISTON at tigil pasada ngayong araw at inaasahan itong magtatapos hanggang December 29 ng kasalukuyang taon.

Ayon sa Malabon LGU, kabilang sa kanilang idedeply na sasakyan ay rescue vehicle para magbigay ng libreng sakay.

Bukod dito ay kabilang rin ang mga sasakyan ng LGU at truck ng Malabon DRRMO o Disaster Risk Reduction and Management Office.

Hinikayat naman ng lokal na pamahalaan ng Malabon ang mga commuter na makipag-ugnayan sa kanila sakaling ma stranded .

Patuloy naman ang panawagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa mga transport group na nagsasagawa ng tigil pasada na iwasang gipitin ang mga kapwa nila tsuper para sumama sa kanilang kilos protesta.

Kung maaalala, nanindigan pa rin ang ahensya na wala ng extension sa deadline na December 31 para sa franchise consolidation. – VICTOR LLANTINO