KALIBO, Aklan—Ikinatuwa ng lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan ang pagkabilang ng nasabing bayan sa billionaire’s club ng mga local government unit sa buong bansa.
Ayon kay Malay sangguniang bayan member Allan Palma Sr., kasunod ito sa mataas na tax collection mula sa real property; business; fees and charges; building permits at maraming iba pa.
Kaugnay nito, inaasahan aniya na maraming magkakainterest na mga negosyante na mamuhunan sa bayan ng Malay lalo na sa isla ng Boracay dahil sa tumataas na tourist arrival kada buwan.
Ngunit hamon sa kanila ng mamamayan na sana ay may makikitang improvements sa lahat ng aspeto dahil sa kita ng LGU para na rin sa ikakaunlad ng bayan.
Sa kasalukuyan ay naabot na ng Malay Tourism Office ang 1 milyon tourist arrival mula sa 2.3 milyon na target na bilang ng mga turista sa bibisita sa Boracay sa pagtapos ng 2024.