-- Advertisements --

Nagbigay ng deadline ng hanggang Enero 10 si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa mga local government unit (LGU) na magsumite ng kanilang final reports sa pagtugis ng mga Philippine offshore gaming operations sa kanilang nasasakupan.

Ito ang naging laman ng inilabas nitong Memorandum Circular 2025-001 sa lahat ng gobernador, alkalde, punong barangasy at mga DILG regional directors.

Dagdag pa nito na dapat tiiyakin na hindi na ma-rerenew pa ang lahat ng mga business permits at lisensya ng mga POGO at lahat ng mga internet gaming licenses.

Hinikayat din nito ang mga LGU na isumbong sa kapulisan kung mayroon pang patuloy na nag-ooperate na mga POGO matapos ang implementasyon ng Executive Order 74 o ang tuluyang pagbabawal ng POGO sa bansa.

Magugunitang inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo ang tuluyang pagbabawal ng POGO sa bansa.