-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nanguna o Ranked No. 1 sa probinsya ng Cotabato ang lokal na pamahalaan ng Midsayap sa pamamahagi ng docial pension para sa mga indigent senior citizens.

Ito ay iginawad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD XII).

Nabatid na 8,096 na mga indigent senior citizens mula sa 57 barangay ng bayan ang nakatanggap ng naturang social pension mula sa DSWD noong buwan ng Mayo taong kasalukuyan para sa 1st semester at buwan naman ng Hulyo at Agosto para sa 2nd semester.

Ang mga benepisaryo nito ay ang mga may edad na 60 pataas na may sakit, mahina o may kapansanan, walang pension mula sa GSIS, SSS, at iba pang kumpanya ng insurance at walang permanenteng pinagkukunan ng kita o regular na suporta mula sa kanyang mga kamag-anak.

Laking pasasalamat naman ni Midsayap Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) head John Karlo Ballentes sa pagkilalang natanggap ng LGU-Midsayap.

Aniya, ang ganitong pagkilala ay sagisag ng aktibong pagtugon ng lokal na pamahalaan katuwang ang MSWDO-Midsayap