-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Mahigpit na kinundena ng Local Government Unit ng Mlang, North Cotabato ang nangyaring panloloob ng pinaniniwalaang organized robbery group sa isang isang kainan sa Barangay Bagontapay, Mlang, North Cotabato na nauwi sa emgkwentro at nagresulat sa pagkamatay ng anim kabilang na ang 4 na holdaper, 1 pulis at isang sibilyan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Vice Mayor Joselito Pinol ng Malang, North Cotabato, ikinalulungkot nila ang nangyari lalo na at may namatay na sibilyan at isang pulis.

Ayon pa kay Pinol, maliban sa apat na mga nasawi may mga nakatakas pa na mga suspek na dapat mahuli sa mas madaling panahon.

Sa ngayon, wala pang identity ang apat na mga suspek dahil walang pagkakakilanlan ang mga ito.

Habang ang isang sibilyan na namatay ay binaril ng mga suspek matapos na agawan ng motorsiklo at ginamit na get-away vehicle.

Malungkot din na inihayag ni Pinol na ang nasawing pulis na nakipaglaban sa mga suspek na kinilalang si PSSg Rudy Verona Amihan Jr. ay malapit sa kanya at nagging close-in body guard din nito.

Kaugnay sa nangyari, nanawagan ngayon ang opisyal na kilalanin at imbestigahan ng mas malalim ang pagkakakilanlan ng mga suspek dahil hindi lamang pagnanakw ang pakay ng mga ito kundi kayang pumatay ng mga sibilyan.

Samantala, kinansela din ang pasok sa lahat ng lebel ngayong araw dahil sa pangyayari.