NAGA CITY- Naaalarma na ngayon ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Naga dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa lungsod.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Councilor Sonny Rañola, ang chairman ng committee on health, kinumpirma nito na ngayong buwan lamang ng Hulyo ay nakapagtala na ang City Health ng 94 na kaso.
Kung ikukumpara aniya sa nakaraang taon ay apat lamang ang naitala sa lungsod sa kaparehong buwan.
Sa ngayon nangunguna ang Barangay Pacol sa may pinakamataas na kaso ng dengue sa 27 mga barangay sa lungsod.
Kaugnay nito patuloy ang pakikipag ugnayan ang LGU sa lahat ng mga barangay sa lungsod kung saan ikinakampanya ang “3S” na nangangahulugan ng “search and destroy, seek early consultation at say yes to fogging”.
Nanawagan rin ito sa lahat ng mga siudadano na panatilihin ang kalinisan sa kanilang mga lugar upang mapigilan pa ang patuloy na paglobo ng kaso sa siudad.