-- Advertisements --

NAGA CITY – Nasa P1 million ng cash assistance ang personal na inabot ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Naga mga lugar na labis na naapektuhan ng pag-alburoto ng bulkang Taal.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Vice Mayor Nene de Asis, sinabi nitong kasama sa mga napili nilang puntahan ang mga bayan ng Balite, Talisay, Laurel, Agoncillo at San Nicholas.

Ayon kay De Asis, maliban sa mga relief goods, may inabot din aniya silang P200,000 sa bawat isa sa naturang mga LGUs.

Aniya, base sa kanilang naabutan may mga nananatili pa rin sa mga evacuation centers kung saan hindi niya naiwasang makaramdam ng awa sa sinapit ng naturang mga lugar.

Samantala, ayon kay De Asis may mga susunod pang tulong na pwedeng dumating sa naturang mga lugar mula sa lungsod.