ILOILO CITY- Wala nang namataang panibagong pagtagas ng langis sa Caluya, Antique mula sa lumubog na oil tanker sa karagatang sakop ng Naujan, Oriental, Mindoro.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mr. Broderick Train, pinuno ng Antique Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, sinabi nito na sa pinakahuli nilang pagsisiyasat, tumigil na ang pagpasok ng langis sa kanilang lalawigan mula sa lumubog na M/T Princess Empress.
Ayon kay Train, patuloy ang kanilang pagsisikap na malinis ang lahat ng coastal areas upang mas mapagaan ang epekto ng pagtagas ng langis sa coastal communities at marine life.
Pumunta na rin anya ang Department of Health sa Caluya Antique upang alamin ang epekto ng pagtagas ng langin sa kalusugan ng mga residente.
Sa susunod na linggo, magpapalabas na sila ng pinal na assessment sa epekto ng oil spill.