-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nanawagan ng dagdag na tulong ang local government unit ng Caluya, Antique upang masugpo ang pagkalat ng langis mula sa lumubog na barko sa Naujan, Oriental Mindoro.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mr. Broderick Train, pinuno ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, sinabi nito na hindi sapat ang oil spill boom na kanilang inilagay sa baybayin.

Ayon kay Train, patuloy ang pagkalat ng langis kung kaya’t pinaghahandaan na nila ang pagkalat nito sa iba pang mga
island barangays.

Anya, ang improvised oil spill booms ay nangangailangan ng
dayami, ipa ng palay, bunot ng niyog, plastic bottles/gallons, sako, straw lace at mga pisi.

Ang mga nagnanais na mag-donate ng oil spill boom ay maaari anyang makigpag-ugnayan sa munisipyo.