-- Advertisements --

ILOILO CITY – Ikinagalit ng local government unit (OGU) ng Guimaras ang naging hakbang ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Guimaras laban sa Maritime Industry Authority (MARINA) at Philippine Coast Guard (PCG).

Ito ang kasunod ng pagsampa ng kasong declaratory relief, mandatory injunction at prohibitory injunction para sa pag-isyu ng temporary restraining order laban sa MARINA memorandum hinggil sa mga kondisyon sa paglayag ng mga pump boats.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Guimaras Vice Governor Atty. John Edward Gando, sinabi nito na ikinagulat at ikinadismaya nila ang naturang hakbang.

Ayon kay Gando, maaaring malagay sa alanganin ang request ng Guimaras provincial government sa Maritime Industry Authority na palitan ang ibang guidelines hinggil sa pagbyahe ng motorbanca.

Napag-alaman na ayon sa alituntunin, hindi maaaring maglagay ng bubong sa pumpboat habang naglalayag at pinapatigil ang byahe sa tuwing nasa force 3 ng Beaufort Scale ang lakas ng hangin at 0.5 meters naman ang taas ng alon.