BUTUAN CITY – Kaagad na nag-deploy ang lokal na pamahalaan sa bayan ng Lingig, Surigao del Sur ng kanilang Rapid Damage Assessment Team matapos yanigin ng magnitude 6.8 na lindol kaninang alas-6:23 ng umaga.
Ayon kay Ian Russel Onsing, head ng Lingig Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, walang dapat na ikakabahala sa mga gusaling kanilang binabantayan matapos magkabitak noong una silang yanigin ng magnitude 7.2 na lindol, dahil wala umanong na-monitor na pagbabago, ang kanilang engineering team.
Patuloy ngayon ang pangangalap pa nila ng mga detalye sa lahat ng kanilang barangay upang matiyak kung may danyos na hatid ang lindol sa kani-kanilang lugar.
Sunod-sunod naman na mga aftershocks ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Bombo Butuan