BUTUAN CITY – Patuloy pa ang ginagawang assessment ng lokal na pamahalaan sa bayan ng Mainit, Surigao del Norte upang malaman ang kabuu-ang bilang ng mga bahay na natabunan ng lupa sa Brgy. Siana matapos bumigay ang tailings pond ng mining company na Greenstone Resources Corporation bandang alas-sais nitong Sabado ng gabi.
Kinumpirma ni Surigao del Norte Governor Robert Lyndon Barbers na walang sugatan o kaya’y casualty sa nasabing pangyayari dahil nang maranasan ngmga residente na umuga ang lupa ay kaagad silang nagsilabasan sa kanilang bahay papuntang evacuation centers lalo na’t una na nilang nakita ang bitak sa kanilang kalsada.
Ayon sa tagapagsalita ng kompanyang si Brandon Lopez, may mga pamilyang inilikas sa paaralan ng nasabing barangay at mayroon ding nasa gym ng kalapit na Brgy. Magpayang habang may mga pamilya namang inilikas sa isang gym sa bayan ng Tubod na parehong nabigyan na nila ng ayuda kasama ang lokal at probinsyal na pamahalaan ng Mainit at ng Surigao del Norte .