-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Patay ang isang opisyal ng Local Government Unit (LGU) sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Tho Malang, 35-anyos, administrative aide 1 ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) sa bayan ng Ampatuan.

Ayon sa ulat ng pulisya, lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo nang ito’y dikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang .45-kalibre na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa Ampatuan.

Dead on the spot ang biktima nang magtamo ito ng tama ng bala sa kanyang likod at batok.

Personal na alitan o rido umano ang posibleng motibo sa pamamaslang sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.